Naghintay ako sa airport. Napakabilis ng oras. Nag check-in agad ng luggage ang kapatid ko dahil 1-hour na lang before her flight. Sabi nya pumasok daw ako sa Cathay Pacific baggage check-in counter area at kahit takot ako dahil passengers lang ang allowed doon naglakas loob na rin akong pumasok. Buti hindi ganon kahigpit that day or else wala na akong chance makita si Jhona bago sya umalis. When I saw her, I felt the sudden emptiness parang a part of me is missing. Agad kong niyakap ang kapatid ko. Actually, I was supressing my emotions kasi hindi naman emotional mga tao sa paligid ko -Mark, Cathy, Mohamad, Tita Janet, and Tita JM. When the time has come to bid our goodbyes....hindi ko na talaga mapigil ang tears from falling. I kissed my sister while saying 'ingat ka ha...mahal na mahal ka ng ate...mami-miss kita ng sobra' then Tita JM also cried kasi pauwi na rin sya and she won't be coming back. Cathy followed in tears with her mom Tita Janet. Nag-drama kami sa airport. When my sister walked away, I was watching her every step until she was out of my sight.
At home, I sat on my sister's bed. I remembered our memories together. Yung mga hardships namin then yung mga napagtatagumpayan namin together. Yung mga times na wala kaming karamay but ourselves. Yung mga times na nag-aaway kami. Yung paglalambing nya...'ate, san ka na. uwi ka na kasi gutom na ko'
Neng, miss ka na agad ng ate. I thanked God kasi as this time kasama ka na nina nanay at tatay. lam ko masarap kain mo ngayon dyan. Senorita ka na naman!!! Ingat ka po dyan lage ha. At kaw na bahala kay nanay at tatay. love you so much bunso...muah!!!
Wednesday, March 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment