Saturday, January 31, 2009

FRIENDS NO MORE

Bakit ba may mga taong feeling superior? Yung hindi nila nakikita yung sarili nilang mali at madalas yung mali ng iba ang nakikita nila. Ewan ko kung bakit may kaibigan akong ganito at ngayon hindi ko alam kung gusto ko pa syang kaibiganin. I just felt na masyado ko na tinitingnan ang sarili ko as a person full of mistakes. Ang masakit pa sa kin he even told me na isa akong taong ginagawang problema ang hindi naman dapat problemahin. Well in fact, nagsimula lang ang lahat because I told him na nakakaiyak maglakad ng hindi mo alam kung san ka pupunta at wala kang masakyan. I thought he is a friend enough to understand na sinabi ko lang yun dahil exhausted na ko. At nabanggit ko rin sa kanya na nainis ako sa isa kong friend, then he accused me of backbiting. Ang gusto ko lang naman ay maihinga sa kanya yung sentiments ko kasi akala ko he can listen and advise me soundly about it.

Well, maybe thats it. Mula ngayon, I will never be too close to anybody. Wala akong pwedeng kaibigan sa mundong ito than God. I'm so sure na maiintindihan Nya ko at pakikinggan Nya ko.

Then, bakit din kaya may mga tao na walang magawa kundi ang manira ng mga taong nanahimik na? Likas na ba talaga sa kanila ang pagiging pakialamero at pagiging feeling righteous or sadyang nagpapagamit lang sila sa "spirit of destruction" na hindi tumitigil para ibagsak ang iba. Nakakatawa lang dahil ang layo na nila pero sagap pa rin nila ang mga usapan sa aming bakuran. Sino kaya ang taong ito na tumatalon ng lihim sa ibang bakuran? God only knows...

0 comments:

Post a Comment

 
YeShAjiEL. Design by Exotic Mommie. Illustraion By DaPino