It is very windy today para ngang may sandstorm eh. Habang naglalakad ako papuntang sakayan may isang Indiano na nag-overtake sa kin. So nasa likuran nya ko at nagulat ako sa aking nakita!!!! Ang mahaba nyang buhok ay nililipad ng hangin...anong kaiba don??? eh panot na kasi itong si manong. Feeling ko yung mahabang buhok na yun ang ginagawa nyang pang-cover sa panot eh di nga naman tipid sa wig!!! But in times like this, mukhang hindi effective ang strategy nya. (lols)
Sa sasakyan naman habang naghahatid ito ng pasahero sa may Knowledge Village (lugar dito sa Dubai kung saan nandon ang mga academic institutions) isang lalaki ang tulog na tulog na nakaupo sa pinaka-harapan ng shuttle. Naalimpungatan ang lalaki kasi dun na pala yung babaan nya. Bigla itong tumayo eh hindi pa naman humihinto ang sasakyan..napaupo ulit ang lalaki na muntikan pang mahulog ang shades. Nagulat kami ng katabi ko...natawa nga sya eh habang ako naman pinipigil ang tawa. Ang porma kasi ni "kabayan".. nawalan tuloy sya ng poise!!! Eto ang maganda sa kanya ha - deadma! Siguro sa loob nya sinasabi nyang "kaya nyo ba yon?" (lols)
Wednesday, February 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment