Tuesday, February 10, 2009
INSTANT I LOVE YOU
Kung marami ng "instant" ngayon dapat ba kasama don ang love? Ok, i wont name the guy. I just met him recently and we went out once that will be the clues. Kung nagbabasa ka ng blogs ko dapat kilala mo. It was about lunch ng mag-usap kami over the phone, he asked me kung kumain na daw ba ko? At ang nakakagulat na tanong ay.........."na miss mo ba ko?" I almost fell on my seat. Yun naman pala na-miss daw kasi nya ako at hindi daw nya maintindihan bakit ganon. Nahulog na daw yata ang loob nya sa kin. Eto pa..."mahal na yata kita" Ano naman ang laban ng mga dialogue sa telenovela di ba? Though kakakilig pa rin kaya lang parang the sincerity is not there. Sabi ko nga sa kanya, sobra pang maaga for him to say that he loves me. Hindi pa nga nya ko kilala. Hindi nga nya alam na naghihilik ako pagtulog at parang cactus ang binti ko after few weeks of shaving. Given, it's very obvious na mataba ako so parang it's really hard to believe it all. Anyways, ayoko namang magsalita ng tapos pero parang it will take time for him to convince me (am i learning na ba?) saka as of the moment highest consideration ko talaga si BF eh. Well, hindi ko pa rin alam what really God has in store for me pero for sure naman He will reveal it to me in His time. Waiting lang ako...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment