Saturday, February 14, 2009

LOVE IN THE AIR

Feb 12 (Thursday) - Birthday ng ka-BFF's ko na si JM (keyboardist ng church). We had a happy celebration that night. Ithought the day will end up okay pero nabago na naman ni Erill ang mood ko. Ewan ko what's with him na nakakaasar. Ganito kasi, he asked Ate Grace magkano dapat ang interest pag nagpa-utang. Yun pala may pinautang sya at lalagyan daw nya ng interest kasi hindi naman kapatid (Non-Christian). Sumagot ako, sabi ko nasa Bible na wag magpapautang ng may interest dahil lalo mo lang ginigipit yung tao. Everybody agreed with me. Since Bible Scholar yata itong si Erill, he said na ang nasa Bible ay wag magpapautang ng may interest sa kapatid (kapwa Christians). Sumagot na naman ako, sabi ko na baka matisod lang yung nanghihiram at masabing Christian pa namang naituring pero nagpapautang ng may interest. Maramin pang sinabi si Erill pero ang masakit sa kin ay ang sinabi nyang self-opinionated ang mga comments ko meaning wala akong basehan kundi ang perceptions ko. Honestly, ang dating sa kin...tumigil ka, wala kang alam. Admittedly, I am not that knowledgeable on Bible. Siguro nga nagbabase ako sa mga natututunan ko lang. Pero ganon pa man naniniwala akong tama ang sinabi ko. Naiyak talaga ko and remained silent the whole journey. I pretended I was sleeping. Pero masama talaga ang loob ko. Sa amin sila natulog ni JM at dahil antok na talaga ko dun na nila ako pinapwesto sa bed ko (taas ng double-deck kasi sila natutulog pag nasa house at ako ang nasa lapag kasi ayaw akong katabi ni Jhona) since wala na talaga silang masisiksikan sa house. Isa sa kanila ang tatabi sa kin (no choice po at walang malisya). I thought it will be JM pero mali ako eh. Sinusubukan talaga ang patience ko. Dinaan ko na lang sa prayer. So nakatulugan ko na ang mga bagay na yon.

Feb. 13 (Friday) Maaga akong gumising clear of any negative thought. Magluluto ako ng foods namin sa church. Nasa may edge ng bed si Erill, sabi ko lumipat na sya near the wall eh kaso tulog mantika hindi kumilos. It was really hard for me na makababa sa bed and an accident happened, nahulog ako at tumama ang mga braso ko sa cabinet at sa hagdan ng double deck. Napasalampak ako sa floor. Ang lakas ng impact nagising sila lahat at nahilo talaga ako. But thank God dahil wala akong naramdamang sakit. Natapos ko naman ang pagluluto. Pagbalik ko ng room nakabihis na ang 2. At ang Erill nagla-laptop na. Sabi ko kay JM pakitikim yung niluto ko. Ayaw. Next nakiusap ako kay Erill pero ayaw ding tikman. Kinulit ko si JM, sumunod naman ang kaso kumain naman pala ng chocolate, so hindi balance ang panlasa nya. Si Erill naman ang kinulit ko, sabi nya nag toothbrush na daw sya. Sabi naman namin konti lang yon titikman lang nya. Ayaw daw nya talaga. Nainis na naman me feeling ko kasi puro na lang laptop inaatupag na napaka-simple ng request ko hindi pa magawa. Hindi na nga nila ako tinutulungan sa pagluluto (which they supposed to, pero ako na lang ang umaako kasi kaya ko naman). It really pissed me off. Kinuha ko ang laptop, wala akong pakialam kung may ka-chat sya. Ako na rin ang nagpaalam sa mga ka-chat nya before I signed-out his YM. Kinuha ni Erill mga gamit nya at sinabing mauna na sya (9:25 am pa lang yata nun). After he went out the door, I banged it. Buti na lang JM was there to pacify me. Naiiyak talaga ako kasi lagi na lang kaming nag-aaway to think na hindi ako pala-away na tao. I really came to the point na ayoko na talaga syang maging kaibigan dahil nasasaktan na ko. Everybody was asking me bakit ako malungkot that day. Hindi ko alam bakit ako nalulungkot siguro gawa nga ng nangyayari sa amin ni Erill....

Feb. 14 (Heart's Day) Maaga akong gumising. May nagrequest kasi sa king gumising ng maaga para mabati man lang daw nya ako. Ang saya nya ng makita nya ako sa camera. Ang ganda ko daw kahit bagong gising (bola!) Natutuwa naman ako kasi he looked really fine...mas mukha syang at peace. Nilalagnat daw sya pero pinilit nya talaga ang katawan nya para lang makita ako. (kaka-touched). Kahit hindi matagal yung usap na yon alam ko somehow napasaya ko sya. Ako, ano feeling ko? Happy din syempre. Hindi naman nawawala yung pinagsamahan namin. He will remained special to me. Yun nga lang hanggang don lang...Naglaba ako after naming mag-usap. Around 3pm si BF naman ka-chat ko. We chatted till 10:30pm. Kung anu-ano lang napag-usapan namin. Naisingit ko naman about sa wedding namin. We decided to have it here in Dubai. We agreed to have it at Palma Resort, Umm Al Quwain. It will be a Beach Wedding at ang motiff ay chocolate brown and baby pink. Exciting!!! He's starting to be cooperative basta daw i-budget kong mabuti ang wedding. Late na dumating sina nanay at tatay ko, galing sayawan (naks!) Hindi ko na nga nakausap si tatay kasi sobrang napagod. Si Nanay naman saglit ko na nakausap kasi inaantok na rin. Pero atleast nabati ko sila at nakita ko sila. Miss ko na talaga sila. Sobrang thankful ako kay BF kasi he made my heart's day really special. About lunch time yesterday, nagreturned call si Erill. Since it was love day, I set aside the grudges. Humingi ako ng apology sa inasal ko. Alam ko naman kasing hindi ako dapat nagalit agad at may pagka-rude ang ginawa ko that I know i offended him. I thought he will apologized as well pero in the way our conversation went through it seemed na ako lang ang may mali. Sabi nya kasi he was on "fasting" sabi ko bakit hindi na lang nya sinabi na nasa fasting pala sya. Mas naintindihan ko siguro yun. Pero sabi nya hindi naman daw dapat sinasabi na nagfa-fasting ang isang tao. Alam ko namang nasa Bible yun pero ang sa kin pano ko mauunawaan ang isang bagay na hindi ko naman alam. So na-misunderstood ko sya at the same time it caused strife in between. May tinanong sya sa kin na hindi ko masagot...bakit daw every Friday na lang kailangan kong magalit kapag may ka-chat sya samantala daw si JM okay lang sa kin. Hindi ko masagot...dahil hindi ko kasi alam isasagot ko. Bakit nga ba?

0 comments:

Post a Comment

 
YeShAjiEL. Design by Exotic Mommie. Illustraion By DaPino