- FEB. 5 (Thursday)- Since nauna si Erill sa Satwa, mag-isa akong nag-abang ng masasakyan. Buti na lang may nakilala ako. Her name is Janet, petite sya and friendly. Taga-Satwa sya so nagsabay na kami. I took the chance na makapag-share sa kanya and invited her sa service that coming Friday. Kaso hindi naman pala sya pwede kasi may lakad na sya that Friday. May katabi pa akong isang girl kasi nasa middle ako. Her name is Ronean, she is pretty and friendly din. Nakakatuwa pa, sya yung nagpapatotoo about her experiences sa mga Christian gatherings. Blessing talaga. I found 2 new friends. Sana nga maakay ko sila sa paglilingkod sa Panginoon. Late si Erill sa practice. Naunahan ko pa nga sya. Sinamahan pala niya si Ate Lily. Ewan ko what was with us that night kasi hindi kami nagpapansinan. Then, nung patapos na yung practice sabi ko sa knya hindi nya ko pinapansin. Naglambing naman kahit pano. Bakit kaya may mga taong ang bilis sabihin ang salitang I love you??? I reminded Malvin na may Friday Service kami at kung pde sya ma-invite. Hindi daw nya mapa-promise pero try daw nya. After namin mag-usap, ibaba ko na sana ang phone then he shouted i love you...kunwari di ko narinig pero hindi na nya un inulit. Maybe he was just playing around...pero wag naman sana nyang gawin sa kin un.
- FEB. 6 (Friday)- Hindi ako makabangon dahil nahihilo ako. Actually nung gabi pa yung pakiramdam ko na yun. Buti na lang prayer really works. After I prayed nawala na rin yung hilo. Pinagplantsa ako ni Erill ng isusuot ko that day kahit mahirap plantsahin (bawi). Pero nang paalis na kami eto namang si JM ang nawawala!!! I dont know what's with them that day pero ayoko ung hindi nagpapaalam sa kin ng maayos. Nag-sorry naman si JM. Unintentional naman ung ginawa nya at bumawi sya sa Abu Dhabi dahil he treated me and dhudai ng ice cream. Super late na kami nakauwi kasi may meeting pa ang mga elders ng church. Nakakatawa nga kasi nang ihahatid na kami nila Pastora. Mag-sleep na kmi at gigisingin na lang kami pag nandon na sa front ng mga house namin pero wala nakatulog. Weird pero yun talaga nangyari. Hindi nagpaparamdam si Malvin a...hmmnn dahil ba ininvite ko sya sa church kaya ayaw na nya me kausap??? Wag naman sana...
- FEB 07 (Saturday) Wala si Jhona and tinatamad talaga ko kumilos. Nanood lang ako ng 13 going 3o and sa sobrang bagal ng server tinulugan ko muna. Si Erill lang ang caller ko that day. Tapos nag chat kami ni BF (Bnjie) nung morning. Bagong gupit ang mokong, clean cut! Tumataba na sya at napupuna ko talaga ang pagiging caring nya lately. Kakakilig tuloy. Nakausap ko rin si Bes, hindi kasi nya makita si Daph. Binilin nya yung gadget nya and he greeted me din ng Hapi Valentines...(sigh). Yun lang masasabi ko.
- Today??? I dont know yet what will happen. I will keep you posted tomorrow ha. God bless!
Saturday, February 7, 2009
OVER WEEKEND
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment