Hay naku, ang gastos ko naman lately! Parang di ko na talaga ma-imagine pano ko malalagpasan bawat araw. Buti na lang nandyan si God para i-inspire ako everyday na hindi ako dapat mag-worry.
Nakahanap na ko ng murang tailor para sa susuotin ko sa kasal ni Jhona. Umabot lang ng Dhs. 95.00 kasama na ang tela. Mura lang pala mga tela rito. Nakakatuwang mamili may libre pang juice sa tetra. Eheheheh. Kasama ko si Daph, wala pa rin syang mapili. Sa Saturday na lang daw silang mga abay.
Supppeerrrr puyat ako ngayon as in 4am n ko natulog. Tinapos ko kasi yung slides para sa PW on Friday. Masyadong hectic ang sched ko nowadays. Dami ko iniisip sana lang nakakapayat itong ginagawa ko. Pero thank God talaga kasi masigla pa rin yung katawan ko kahit pa na-overuse ko yung katawan ko.
Nagulat ako kasi Erill greeted me 'morning' sa chat (walang good). I never expected it at all. Honestly, I am getting used to it of him ignoring me. Well, sinabi lang nya na hindi ulit sya makakasabay. Honestly again, hindi ko na talaga inaasahan na magkakasabay pa kami. I am already prepared on that and ok lang naman sa kin. Nasasaktan na kasi ako masyado sa mga ginagawa nya. Hindi naman ako sobrang hapit sa friends para mabuhay. Marami namang tao ang nagmamahal sa kin. So I really dont mind kung ayaw na nya ko maging friend. I already said sorry at kung hindi nya matanggap yun ok lang din. At least I did my part. Though nakakapanghinayang talaga kasi mabait naman sya at masayang kasama kaya lang siguro hindi talaga kami magkakasundo dahil hindi nya ko naiintindihan or ayaw nya talaga akong intindihin. Sayang kasi I have this admiration for him - the reason why I felt sad kapag nag-aaway kami at kung bakit ko natitiis ang mga bad days nya, kung bakit lagi akong nasa tabi nya at sumusuporta, at kung bakit ako nagmamalasakit sa kanya, at kung bakit tanggap ko sya kahit pa ayaw sa kanya ng iba. Bihira lang ang mga taong binibigyan ko ng atensyon at importansya...pero hindi nya yon pinapahalagahan.
Ok, kung sino ka mang bumabasa nito, please don't get me wrong. Marami na akong nagiging pagkakamali sa buhay ko. Nasaktan ko ng minsan si Benjie. Nagmahal na rin ako ng isang kaibigan at itinaya ko ang friendship namin. Dumaan ako sa pagkakataong tiningnan akong mababa, hinusgahan ng mga taong tinuring kong kaibigan. Ayokong maulit lahat yon...
Hindi ako nagsasalita ng tapos....marami pang maaari mangyari. Kung anuman ang mga yon 'only God knows'.... now, I just prayed na maintindihan ako ng mga makakabasa nito.
Tuesday, February 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment