Feb 20 (Friday) Napuyat ako last night because of my new found friend. I find her really spontaneous at ang sarap nyang kausap. I learned much about a guy na close sa kanya at sa kin. I never realized that it wasnt only me that have the same problem with him. Nagulat talaga ako. Naawa ako bigla with my guy friend. Pero I have no intention of making peace unless I see any difference. Kahit puyat ako, I was very energetic. Though medyo masungit ako that day...hindi ko pa rin sya pinapansin kahit na kinukulit nya ko. Pinaglalaruan pa nga ang pony tail ko. Gusto ko nang matawa sa ginagawa nya pero pinipigil ko so I can be convincing. Tapos panay yakap nya dun sa isa naming churchmate feeling siguro nya magre-react ako pero dedma pa rin ako.
Honestly, my mind was saying 'sige, tama yang ginagawa mo. mabuti nga sa kanya na wala syang kaibigan' pero may heart was saying 'hindi tama yang ginagawa mo. dapat matuto kang magpakumbaba. At one point din naman naging mabuti sya sayo' When I prayed to God and asked His guidance. I decided to get over it. Makikipag-usap ako sa kanya.
Pero nang ako naman ang lumapit. Sya naman ang lumayo. Nagmatigas daw ako at yun ang gusto ko. Pray ulit ako sabi kay Lord siguro mali ang timing ko. Hindi pa tamang magkaayos kami. Saka atleast ginawa ko na yung part ko. Then parang he changed his mind at kinausap at sabi nya "forgiven" na daw ako. Medyo taas kilay ako dun sa sinabi nya na parang may ginawa nanaman akong mali pero ayoko na talaga ng away. So naayos na yon that night.
Feb 21 (Saturday) Monthsary namin ni Bnjie (kahit hindi naman talagang kami) he still greet me. pero walang chance para makausap ko sya. Sama na pakiramdam- sumasakit ulo ko. Wala tuloy akong nagawa than took pre-nup pix of Jhona & Mark. Then umuwi na rin kami agad. Naisip ko yun sinabi ni Daph sa kin. Hindi ako affected basta pumasok lang sya sa utak ko. Then suddenly may nagparamdam-hmmnnn..parang alam yata nya iniisip ko sya. Musta nya me then he confessed again yung love nya for me. Napangiti lang me. Yoko nga mag-react. Saglit lang kami usap kasi late na yun sa Pinas. Gusto daw nya ko makita bago sya matulog (naks! Kakakilig) Ayon, good night na.
Today, sama pa rin pakiramdam ko. Rebuked lang me ng rebuked para ndi matuloy. Uminom na ko ng gamot. Tapos I phoned Erill, I greeted him Good morning. I'm trying to bring back what was before pero malamig pa sya sa aircon namin dito sa office. Nagtataka lang ako bakit pag kami lang parang ayaw nya sa kin pero pag may ibang tao sya yung effort to the max. Hmnnn...yoko mag-isip ng masama. Bahala na si Lord kung san hahantong ang friendship na to.
Pano na kaya yung bayarin ko sa house. Hindi pa kasi nabibigay ni Tita Amy. Sana may mahiramin ako. (Sigh)
Sunday, February 22, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment