Thursday, February 19, 2009
DRAMA QUEEN
Hindi ko na napigilang umiyak sa sobrang asar ko. Parang yon ang naging way of release ko. I came to my limit. Hindi kasi nya magawang intindihin ang mga sinasabi ko o hindi ko rin talaga maintindihan na parang big deal sa kanya ang "i care for you" statement ko. If wala lang sa kanya yon bakit kailangan nyang magbago ng pakitungo sa kin? Hindi ko naman talaga sya gusto para gawin ko syang replacement ni Benjie. Nasasaktan ako kasi parang nauulit lang yung dati. Mawawalan na naman ba ako ng friend? Pero sobra na kasi sya. Hirap nyang paliwanagan at bakit kailangan nya akong taasan ng boses? Yoko ng ganon....pero kung lalo lang kami mag-aaway mabuti pang mawala na lang yung friendship than I am gaining an enemy. Hindi pa man din ako sanay ng may kaaway. Sana ma-realized nya yung pagkakamali nya. If sincere sya sa pakikipag-ayos na dapat naramdaman ko na yun. Pinagkalandakan pa nya sa kin kung sino ang nililigawan nya, pakiaalam ko naman dun. At bakit pa nya ako kailangan i-introduce dun sa girl? I just hope he never said anything against me. I apologized to the girl coz I believed I seemed rude to her as well baka nabastusan sya sa kin kaya sya nagtatanong about me. Pero she never returned to me, ewan ko bakit. Sinabay pa rin nya ako pauwi but we never really talk, he tried to communicate with me pero ako yung umiiwas. The whole night nya akong sinusuyo pero ayoko muna syang kausapin. Hindi sya sa amin natulog...nakakapanibago pero ganon talaga....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment